Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa ilang smuggled luxury vehicles sa Port Irene, Santa Ana, Cagayan sa gitna ng nagpapatuloy na kampanya kontra illegal shipments.
Kabilang sa mga winasak ang 14 na used luxury cars mula Japan at South Korea na nagkakahalaga ng 27 Million Pesos na hindi pa na-claim simula noong 2014 dahil sa Executive Order na nagbabawal sa ng mga segunda manong sasakyan.
Winasak din ang isang Maserati Quattroporte, Porsche 911 gt3, BMW Alpina b12, BMW z1, Opel Manta, Renault 5 at Walong Mercedes Benz.
Samantala, nasa 800 sasakyan sa Port Irene ang nakatakda ring wasakin.