Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na matatapos na sa lalong madaling panahon ang pag-i-imprenta ng mga balotang gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Director James Jimenez, kung tutuusin ay wala naman na silang masyadong po-problemahan sa preparasyon.
Sa issue naman ng mga barangay official na sangkot umano sa illegal drugs trade, nilinaw ni Jimenez na maaari pa naman silang tumakbo sa nasabing halalan.
Samantala, itinanggi ni Jimenez ang ulat na ni-relieve siya sa pwesto upang palitan ni Atty. Frances Arabe bilang bagong tagapagsalita ng poll body.