Ibinabalala ng PHIVOLCS ang posibleng pagtama ng isang malakas na lindol sa Central Leyte.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, hinog na ang 100 metro na bahagi ng Philippine Fault sa kahabaan ng Albuera hanggang Mahaplag sa Leyte.
Posible aniyang magkaroon ng intensity 8 na lindol sa ilang bahagi ng Leyte kung yayanigin ng magnitude 7.2 ang fault line sa gitnang bahagi ng nabanggit na probinsya.
Gayunman, hindi tiyak ng PHILVOLCS kung kailan eksatong mangyayari ang major earthquake kahit pa nakakapagtala na ang ahensiya ng mahihinang paggalaw ng lupa.
Bunsod nito, pinayuhan ni Solidum ang mga lokal na pamahalaan na ilikas ang mga residenteng nakatira sa nasabing fault line.