Dapat panatilihin ng state universities and colleges (SUCs) ang mahigpit na admission at retention requirements.
Binigyang diin ito ni Commission on Education o CHED Officer in Charge Prospero de Vera kasunod nang pagiging epektibo sa darating na school year ng batas na magbibigay ng libreng matrikula sa kolehiyo.
Sinabi ni De Vera na hindi lisensya ang batas o ang Republic Act 10131 para tumanggap kaagad ng mga estudyante ang mga unibersidad at kolehiyo nang hindi pumapasa sa kinakailangang requirements.
Naniniwala si De Vera na malaking hamon ang pagme-maintan ng implementasyon ng batas kaya’t dapat itong pakinabangan ng mga karapat-dapat na mag aaral.
Bukod sa mga estudyante ng SUCs, magiging beneficiary rin ng libreng matrikula ang mga mag-aaral sa mga CHED recognized local universities and colleges at technical vocational institutions.
Sa ilalim ng batas, libre na ang tuition at miscellaneous fees ng mga mag-aaral na makakapasa sa admission at retention policy ng unibersidad, walang dating undergraduate degree at hindi overstaying sa kolehiyo.
—-