Hindi makalalagpas sa paningin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paggamit ng Philippine National Police (PNP) sa bagong kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila na makapag – isyu ng subpoena.
Ayon kay DILG Officer- In- Charge Secretary Eduardo Año, titiyakin nilang walang magaganap na pang – aabuso sa naturang kapangyarihan.
Binigyang diin ni Año, na ang PNP Chief at ang Director at Deputy Director lamang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang binigyan ng subpoena power.
Giit pa ni Año , hindi dapat katakutan ng publiko ang ‘subpoena power’ dahil malaki ang maitutulong nito sa mga biktima ng krimen dahil ma- oobliga ang mga testigo na humarap sa korte.
-Jonathan Andal