Ipatutupad na ng Commission on Election (COMELEC) simula Abril 14 ang ‘gun ban’ para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Philippine National Police Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao , kanselado ang permit to carry firearms o hindi maaaring magbibitbit ng baril ang mga gun owners sa panahong ito.
Tanging ang papayagan lamang aniya na magdala ng baril ay ang mga pulis, sundalo, security guard at iba pang law enforcement agents na naka duty sa trabaho.
Mahaharap naman sa kasong kriminal ang mga mahuhuling lalabag sa gun ban at makakansela ang lisensya ng mga baril nito.
-Jopel Pelenio