Naitabla ng NLEX Road Warriors sa 2-2 ang best of seven semi-finals kontra Magnolia.
Ito ay matapos ilampaso ng NLEX ang Magnolia sa Game 4 sa iskor na 91-79.
Nanguna sa panalo ng Road Warriors ang kanilang rookie na si Kiefer Ravena na kumana ng dalawampung (20) puntos, limang (5) assists at tatlong (3) rebounds.
Nag-ambag naman ng labing apat (14) na puntos si JR Quiñahan.
Ikinatuwa naman ni Coach Yeng Guiao ang panalo ng NLEX na sinuwerte aniya dahil sa naging consistent aniya ang pasok ng tira ng kanyang mga manlalaro.
—-