Inaasahang mapipirmahan na sa susunod na dalawang linggo ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ito ay matapos na magkasundo ang dalawang bansa sa nilalaman ng final draft ng MOU kaugnay ng pagtiyak sa proteksyon ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.
Una rito, nagkaroon umano ng deadlock sa naging pag-uusap ng Pilipinas at Kuwait kahapon ng gabi pero kalaunan ay nagkaroon ng developments.
Kabilang naman sa napagkasunduan ay hindi na kukunin ng mga employer ang pasaporte ng mga OFW at ang kanilang kontrata ay dapat naaayon sa batas ng Pilipinas.
Una na ring sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nais niya ring mapasama sa kasunduan ang pag-blacklist sa mga sa mga employers napatunayang nang-aabuso ng mga OFW.
Samantala, hindi pa matiyak ni Bello ang pag-alis sa ipinatutupad na deployment ban para sa mga first time workers sa Kuwait kapag napirmahan na ang MOU.
—-