Mananatili sa ilalim ng kontrol ng national government ang University of the Philippines (UP) oras na matuloy ang pagpapalit sa federal form ang pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Officer in Charge Prospero de Vera na magiging sistema ng UP.
Ayon kay De Vera, oras na magpalit na sa federalismo ang porma ng gobyerno, lahat ng mga state universities and colleges (SUCs) sa bansa ay kapwa hahawakan ng federal at state government maliban sa UP.
Paliwanag ni De Vera, iba ang mandato ng UP bilang isang national university kumpara sa iba pang mga SUC sa bansa kung saan direktang ang national government ang humahawak dito.
—-