Tauspusong binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kadete ng Philippine Military Academy o PMA na nagsipagtapos ngayong araw sa Fort Del Pilar, Loakan Road, Baguio City.
Sa ginawang talumpati ni Pangulong Duterte sa PMA graduation rites, hinimok nito ang 282 newly grads na PMA cadets na patuloy na isapuso ang katapatan, katapangan at integridad para sa bayan.
“Remember always the 3 words that have been engraved deeply in your hearts. Courage, integrity and loyalty. Embody these words and use them to guide your actions throughout your careers. As you dedicate your life to the service of God, the country and the people, know that the Armed Forces of the Philippines has the government’s full support.”
Tiniyak ng pangulo sa mga bagong PMA graduates na maaasahan nila ang buong suporta ng kanyang administrasyon basta’t gampanan lamang nila ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Umaasa din ang pangulo na patuloy silang magiging source ng lakas at inspirasyon ng bawat Pilipino.