Pabor si Vice President Leni Robredo sa isinusulong na pederalismo ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Robredo, malaki ang maitutulong ng ganitong uri ng porma ng gobyerno sa mga liblib na lugar gaya ng Mindanao.
Gayunman, nilinaw ng pangalawang pangulo na hindi dapat amyendahan ng buo ang 1987 constitution.
Paliwanag ni Robredo, mawawala ang mga magagandang bahagi ng kasalukuyang konstitusyon kung rerebisahin ito ng buo.
Giit ng bise president dapat ay magdagdag lamang ang mga mambabatas ng mga bagong amendments na angkop sa kasalukuyang panahon.
Dagdag pa ni Robredo na tila nagiging isang “political move” para sa ilang opisyal ang pagbabago ng porma ng pamahalaan sa halip na dapat ay isa itong obhektibong proseso.