Patuloy ngayon na nilalapatan ng lunas ang tatlong paslit na biktima ng pagsabog sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan, kahapon ng umaga.
Ayon sa pulisya, malubha ang kalagayan ng anim na taong gulang na bata, habang nagtamo naman ng minor injuries ang kanyang dalawang kapatid na nasa mga edad na tatlo at lima.
Bunsod nito, patuloy na inaalam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng naturang pagpapasabog.