Nabawi na ng Turkish forces at mga kaalyado nitong Syrian group ang bayan ng Afrin sa Syria.
Ito ay matapos ng halos walong linggo nilang opensiba para palayasin ang mga rebeldeng Kurdish YPG.
Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, naglagay na sila ng mga bandila ng Turkey at Free Syrian Army sa Town Center at sinira na rin ang mga monumento ng mga Kurds.
Dagdag ni Edrogan, mapayapa na rin aniya ang sitwasyon sa nasabing lugar.
—-