Maagang pinauwi ang lahat ng mga empleyado ngayong araw dahil sa isinagawang tigil – pasada ng PISTON.
Sa inilabas na kautusan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio , pinayagan na makapag – early dismissal kaninang alas 2:00 ng hapon ang mga kawani sa lahat ng korte sa buong bansa.
Sakop ng kautusan ang mga empleyado ng Supreme Court , Court of Appeals , Sandiganbayan , Court of Tax Appeals at mga trial courts.
Inatasan naman ang mga ito ang mga executive judge na magpanatili ng “skeleton force” para tumannggap ng mga dokumentong kinakailangang ihain.
-Bert Mozo