Tiniyak ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang pakikipagtulungan nito sa Pilipinas para labanan ang terorismo sa bansa partikular sa bahagi ng Mindanao.
Iyan ang inihayag mismo ni Saudi Prince Abdulaziz Bin Saud Bin Naif kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang naging pagpupulong sa malakaniyang kahapon.
Maliban dito, nangako rin ang pamahalaan ng Saudi na paiigtingin nla ang relasyon sa Pilipinas higgil sa aspeto ng kalakalan gayundin sa pamumuhunan.
Muli ring tiniyak ng Saudi Prince kay Pangulong Duterte na lubhang mahalaga ang papel ng Pilipinas sa kanilang bansa kaya’t nararapat lamang na mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.