Kinuwesyon nila Senador Nancy Binay at Sherwin Gatchalian ang planong pagtatayo ng hotel-casino sa isla ng Boracay sa harap na rin ng napipintong pansamantalang pagsasara nito.
Ayon kay Binay, kakayanin kaya ng isla ang itatayong istruktura ng Galaxi Entertainment Group at ng Resorts World gayung sobra na ang dami ng mga nakatayong gusali rito.
Sa panig naman ni Gatchalian, paano naman matitiyak ng naturang mga kumpaniya na hindi mauulit ang perhuwisyong idinulot ng mga pasaway na establisyemento na nagtatapon ng dumi sa isla.
Kapwa inihayag ng dalawang senador na mas makabubuti muna sa ngayon ang tugunan ang problema sa halip na dagdagan ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng panibagong negosyo sa isla.