Naging emosyonal si Senator Grace Poe sa gitna ng kanyang speech sa harap ng mga grupo at ahensyang nangangalaga sa karapatan ng mga abandonadong bata.
Sa kanyang pagharap sa 13th Philippine Global Consultation on Child Welfare Service kahapon, sinabi ni Poe na hindi siya basta lamang inampon lamang kundi siya ay isang foundling na natagpuan ni Sayong Militar na tinawag niyang mabuting samaritano.
Dito ay binigyan diin ni Poe ang kalahalagan ng tamang adoption documents ng bawat batang inaampon.
“You are your parents children, and there are many ways by which you can show your parents that indeed they made the right choice.” Bahagi ng pahayag ni Poe.
By Rianne Briones