Tiniyak ng pamahalaan na makatatanggap ng maayos at tamang benepisyo ang mga nasa unipormadong hanay na gumaganap sa kanilang tungkulin para sa bayan.
Iyan ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte nang pangunahan nito ang ika-121 anibersaryo ng Philippine Army kahapon.
Maliban dito, nagbigay din ang Pangulo ng nasa humigit kumulang 50 milyong piso upang pagandahin at i-upgrade ang AFP Medical Center sa V. Luna Quezon City.
Ipinangako rin ng Pangulo sa mga sundalo ang patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan para bigyan ng maayos at magandang buhay ang mga sundalo’t pulis.
“I insist that it would be finished this year and it would be dealt solely by the Armed Forces of the Philippines, ang habol lang ni Dominguez is there should be a facility, ayaw niyang ibigay ng diretso gusto niya ay dumaan sa parang bangko ninyo, that would be like a GSIS only for the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police so I think this time we had done enough in government to make your life comfortable”.
Sinabi rin ng Pangulo na pinag-aaralan na rin ng Department of Finance (DOF) ang pagbuo ng insurance system para sa militar upang may aasahan ang mga ito sa oras ng kanilang pagreretiro.
“The finance secretary insisted that maggawa siya ng mini GSIS kasi hindi kayo kasali eh, meron kayo pero that is not really enough in life, yung sa edukasyon ng mga, retire kasi kayo ng maaga tapos by that time ang mga anak mo kung may apat ka o tatlo nasa ano pa, I would like that contract completed on time, and I give you my assurance na hindi pakialaman ng civilian government yan.”
Pinapurihan din ng Pangulo ang militar kasunod na rin ng pagpapalaya ng mga ito sa Marawi City mula sa mga terorista gayundin ang pag-uuwi ng parangal para sa bansa.
“As your commander in chief, you have made me proud and you continue to do so by your induction of the palladium balance scorecard all of being the beacon of governance, my salute to you, my beloved soldiers”.
Hindi rin napigilan ng Pangulo na muling biruin si Vice President Leni Robredo na dumalo rin sa nasabing okasyon.
“I’am very sorry I was late, because we ended the cabinet meeting at 3:00 in the morning, it started at 2:00 in the afternoon, natapos po kami mam ng 3:00, ang pinag-usapan namin, ikaw”.
—-