Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang lisensya ng mga kumpaniya ng minahan na mapatutunayang nagsusuplay ng pampasabog sa mga rebelde.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng isinagawang pagpupulong ng National Security Council (NSC) Executive Committee sa Malakaniyang kahapon.
Samantala, nagpalabas na rin ng direktiba ang Pangulo hinggil sa pagbuo ng isang task force para sa IP o iyong mga Indigenous People sa Mindanao upang tugunan ang kalagayan ng mga katutubo ruon.
Kahapon, nagbanta ang Pangulo sa kaniyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel na tatapusin niya ang problema sa NPA sa susunod na taon.