Pinatawan ng parusang kamatayan ang labingtatlong (13) Japanese na miyembro ng kulto na sangkot sa 1995 gas attack sa Tokyo subway system.
Kasabay ng ika-23 anibersaryo ng naturang insidente na ginawa ng mga miyembro ng Aum Shinrikyo Cult kung saan labing tatlo (13) ang nasawi.
Nalanghap umano ng mga biktima ang usok matapos buksan ng mga salarin ang mga plastic bags para lumabas ang “sarin nerve gas” sa loob ng bagon ng subway.
Kabilang sa mabibitay ang pinuno ng kulto na si Shoko Asahara.
Hindi naman tinukoy pa ang kung kailang isasagawa ang pagbitay sa mga salarin.
—-