Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang naganap na sunog sa Manila Pavilion sa Ermita, Manila.
Ayon sa DOJ, nais nilang malaman kung may kriminal, sibil o administratibong pananagutan ang anumang ahensya o tanggapan ng gobyerno sa nangyaring insidente.
Bukod dito nais din ng DOJ na siyasatin ang may-ari, manager at mga empleyado ng naturang hotel para sa patas na imbestigasyon.
Sinabi ng DOJ sa NBI na maghain ng kaukulang reklamo sa oras na makitaan ng ebidensya ang sinumang may pananagutan sa nasabing insidente.
—-