Tatlong heneral ang nangungunang contender para maging kapalit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero na nakatakdang magretiro sa susunod na buwan.
Ito ang ibinahagi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kung saan kabilang sa mga ikinokonsidera ay sina Eastern Mindanao Command, Commander Lt. General Benjamin Madrigal at Western Mindanao Command Commander Lt. General Carlito Galvez.
Matunog din aniya ang pangalan ni Philippine Army Chief Lt. General Rolando Joselito Bautista para maging kapalit ni Guerrero.
Nilinaw naman ni Lorenzana na lahat ng 3-star generals ay maaaring ikonsidera sa posisyon, gayunman lima lamang aniya ang maipasasama sa rekomendasyon ng Board of Generals na pagpipilian ni Pangulong Duterte.
—-