Pinasisibak ng isang mambabatas ang Consul General ng Pilipinas sa bansang Indonesia.
Kasunod ito ng reklamo ng pamilya at abogado ni Pinay drug convict Mary Jane Veloso dahil sa pang-iinsulto umano sa kanila.
Naghain ng mosyon si Gabriela Partylist Representative Luz Ilagan sa House Committee on OFW Affairs para hilingin sa Department of Foreign Affairs o DFA para ipa-recall si Consul Roberto Manalo.
Sinegundahan naman ito ni OFW Family Partylist Representative at dating Ambassador Roy Señeres at sinabing dapat sampahan ng kaso si Manalo.
Nag-ugat ang reklamo nang ihayag ni Ginang Celia Veloso sa pagdinig ng Kamara na patalikod silang sinisiraan ni Manalo at sinusumbatan sa mga ginawa nito sa kanila habang sila’y nasa Indonesia.
By Jaymark Dagala