Target ngayon ng Philippine National Police (PNP) na mag – recruit ng mga Moro para sumali sa kanilang organisasyon.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niya ng mga Moro sa hanay ng pulisya at militar para magkaisa ang bansa.
Ayon kay Dela Rosa, suportado niya ang Pangulo at naniniwala siya na mas magiging epektibo ang PNP kapag nadagdagan sila ng mga Moro dahil magiging maalam ang mga ito sa kultura, tradisyon at geography ng kanilang lugar.
Bukod anya sa mga Moro , dapat ring mag recruit sa iba pang ethnic group upang magkaroon ng kinatawan ang bawat lugar at mapipigilan ang pagkakawatak-watak ng bansa.
-Jonathan Andal