Isinusulong sa Senado ang isang resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na magpapatupad ng total deployment ban sa mga bansang hindi nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga manggagawang filipino.
Layunin ng inihaing Senate Resolution Number 676 ni Senate President Koko Pimentel ang tuluyan nang mahinto ang mga pang-aabuso sa mga manggagawang Filipino lalu na ng mga household workers sa kamay ng kanilang dayuhang amo.
Ayon kay Pimentel, dapat mahinto na ang pagpapadala ng mga manggagawa sa mga bansang ang tingin sa mga OFW’s ng kanilang mga amo ay isang pag-aari at alipin.
Gayundin ang mga bansang ang dayuhang employers ang humahawak o nagtatago ng mga pasaporte at dokumento ng mga OFW’s.
Dagdag ni Pimentel, dapat igiit din sa mga nasabing bansa ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Filipinong manggagawa na tulad ng mga mamamayan nito.