Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa mga ulat na bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa Pilipinas kasunod ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.
Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Gundo Weiler, hindi dapat ikumpara ang naging sitwasyon sa Dengvaxia sa iba pang vaccination programs sa bansa na matagal nang ipinatutupad at napatunayang ligtas at epektibo.
Iginiit ni Weiler, hindi dapat mahadlangan ng pangamba sa Dengvaxia ang pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang mga anak laban sa mga napipigilang sakit tulad ng polio, hepatitis, tigdas, tubercolosis at biki.
Dagdag ni Weiler, oras na mabigong maabot ng Department of Health (DOH) ang kanilang target sa pagpapabakuna, posibleng maulit ang nangyaring measle outbreak sa bansa noong 2014 kung saan umabot sa halos 60,000 ang tinamaan ng tigdas at mahigit 100 ang namatay.
—-