Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Samuel Aloysius Jardin bilang bagong Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Batay sa ipinalabas na appointment letter ni Jardin mula sa Malakanyang, pormal itong itinalaga noong Marso 20 bilang kapalit ni LTFRB Executive Director Augustine Vestil Jr.
Si Jardin ay dating Kongresista ng second district ng Cagayan de Oro City at dating pinuno ng Law and Investigation Division ng Bureau of Immigration.
Nagtrabaho rin si Jardin bilang chief of staff ni dating Senate President Nene Pimentel at Executive Assistant at Chief Legal Counsel sa Senado.
Samantala, welcome naman kay LTFRB Board Member Aileen Lizada ang pagkakatalaga ng Pangulo kay Jardin at naniniwalang kwalipikado ito sa posisyon.