Mahigit tatlumpung (30) residente ang isinugod sa ospital matapos malanghap ang sulfuric gas na ibinubuga ng nag-aalburotong bulkan sa East Java sa Indonesia.
Ayon sa ulat, nakaranas ng paninikip ng dibdib at pagsusuka ang mga naospital na residente.
Dahil dito, puwersahan nang inilikas ang mahigit dalawandaan (200) kataong naninirahan malapit sa dalisdis ng Mount Ijen.
Maliban dito, ipinagbawal na rin muna ang pagmimina at pagtungo ng mga turista malapit sa crater ng bulkan.
—-