Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na arestuhin ang mga driver at operator ng mga kolorum na pampublikong sasakyan sa buong bansa.
Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng nangyaring aksidente sa Occidental Mindoro kung saan 19 ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang Dimple Star bus.
Ayon sa Pangulo, ang problemang ito ay maihahalintulad sa sakit na kanser kung saan maraming Pilipino aniya ang maagang namamatay dahil sa iligal na mga raket ng ilan.
Inamin din ng punong ehekutibo na may pagkukulang dinsa panig ng pamahalaan na pagpapabaya sa paglaganap ng mga kolorum na sasakyan.
Sa huli, nagbanta ang Pangulo na bababa siya sa puwesto oras na hindi maresolba ang naturang problema.
—-