Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang isang 9-taong gulang na batang babae sa Parañaque City na naturukan ng Dengvaxia at nakitaan ng mga sintomas ng dengue.
Batay sa ulat, naka-confine sa isang ospital sa Parañaque City ang batang si Rose na nakararanas ng mataas na lagnat, sore throat at mababang platelet count na pawang mga sintomas ng dengue.
Nilinaw naman ni Health Secretary Francisco Duque III na negatibo ang resulta sa dengue test ng batang si Rose, gayunman kailangan aniya nilang bantayan dahil sa mga lumalabas na sintomas dito.
Samantala, nangangamba naman ang nanay ng bata sa buhay ng kanyang anak matapos na mabakunahan ng Dengvaxia.
—-