Hindi pipiligilan ang mga mangingisdang Taiwanese na pumasok at mangisda sa bahagi ng Mavulis Island sa Hilagang Luzon.
Ito ang nilinaw ng NOLCOM o Northern Luzon Command kasunod ng planong pagtatayo ng istruktura sa nasabing teritoryo para maging pahingahan ng mga mangingisdang Filipino.
Ayon kay NOLCOM Spokesman Lieutenant General Emmanuel Salamat, wala silang intensyon na pigilan o itaboy ang mga Taiwanese fishermen sa lugar at sa halip ay magbigay lamang ng tulong sa mga Filipinong mangingisda.
Gayunman, paliwanag ni Salamat, nakadepende pa rin aniya ito sa nakasaad sa maritime law ng lokal na pamahalaan ng Batanes na kailangan nilang ipatupad.
Kasabay nito, itinanggi ni Salamat na military base ang kanilang itatayo sa Mavulis Island kundi mga shelter lamang para magsilbing pahingahan ng mga mangingisda at nagpapatrolyang tropa ng militar.
—-