Hindi na dapat pang paniwalaan si Pork Barrel Fund Scam Queen Janet Lim Napoles dahil wala na itong kredibilidad.
Iyan ang inihayag sa DWIZ ng dating abogado ni Pork Barrel Scam Whistleblower Benhur Luy na si Atty. Levito Baligod kasunod ng pangakong paglalantad nito ng mga pangalan ng mga sangkot sa PDAF scam kapalit ang pagsasailalim sa kanya sa WPP o Witness Protection Program.
Ayon kay Baligod, napatunayan na aniya sa mga ginawang pagdinig ng senado ang kawalang kredibilidad ni Napoles nang igiit nito under oath na wala siyang alam kung paano umandar ang nasabing scam.
“Kung maalala po ninyo during the senate hearing, paullit ulit na tinanong siya ni Sen. Miriam Santiago kung meron siyang kinalaman sa PDAF scam at paulit ulit din na sinagot ni Ginang Napoles na wala daw siyang kinalaman sa PDAF scam. Under ano po yung statement na yun. Kung wala po siyang alam noon, bakit naman na mayroon siyang biglang alam ngayon?”
Kasunod nito, malinaw din aniyang may pinipili lamang si napoles ng mga isasabit niya sa nasabing scam dahil sa may ilang hindi dapat kasama ang napabilang at mayroon din siyang mga naka-transaksyon na hindi niya pinangalanan
“Halimbawa po na mayroon siyang isinama doon na dapat wala. Halimbawa, mayroong isang mambabatas na hindi naman siya legislator during that period, pero isinama daw niya at naka transaksyon daw niya sa PDAF at meron siyang mga hindi isinama na dapat andoon. Nung napuna po namin yun, ibinalik po sa kanya yung affidavit niya at nag latag po sila ulit at makikita niyo na meron siyang hand written names at medyo mahaba yung idinagdag niya.”
(From Sapol Interview)