Walang Filipino ang nadamay sa pinakahuling terror attack sa France.
Ito ang tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs kasunod ng walang habas na pamamaril ng isang hinihinalang terorista sa bahagi ng Carcassone at Trebes na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng 16 na iba pa.
Sa isang pahayag, kinondena ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang nangyaring pag-atake kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay at dasal sa mga naulilang pamilya ng mga biktima at maging sa mga nasugatan.
Batay sa ulat, bigla na lamang namaril ng mga sibilyan ang 25 anyos na suspek sa Carcassonne na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang isang pulis bago nang hostage sa isang supermarket at napatay ng pulisya.
Ikinokonsidera namang terror act ni French President Emmanuel Macron ang nasabing pag-atake na inako na rin ng ISIS o Islamis State of Iraq and Syria.