Maaaring kasuhan ang sinumang mga opisyal ng barangay na mabibigong magtatag ng kani-kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC sa lalong madaling panahon.
Ito ang babala ni Interior and Local Government Assistant Secretary for External and Legislative Affairs RJ Echiverri matapos ang “rehabinasyon” road tour sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay Echiverri, mayroon na dapat BADAC ang bawat barangay hangga’t wala pang “go” signal si DILG Secretary Eduardo Año na maghain ng mga kaso laban sa mga barangay official na hindi pa bumubuo ng nasabing anti-drug council.
Sa ngayon anya ay mayroong 2,000 barangay ang wala pa ring BADAC.