Iimbestigahan ng Department of Labor and Employment ang mga pribado at pampublikong ospital na naniningil umano ng training fees sa mga nag aapply na nurse.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapadala siya ng mga training inspectors na mag- iikot at mag – iinspeksyon sa lahat ng mga ospital sa bansa.
Hindi aniya katanggap tanggap ang ginagawang paniningil na ito sa mga nurses lalo na’t nais lamang ng mga ito na maghanap ng trabaho.
Nangako naman ang Philippine College of Occupational Medicine incorporated na kanilang iimbestigahan ang nasabing isyu.