Plano ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na isali sa kampanya ng pamahalaan kontra kolorum ang mga sundalo at pulis.
Ito ay matapos na ipag – utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang lahat ng driver at operator ng mga kolorum na pampasaherong sasakyan kasunod ng nangyaring malagim na insidente sa Occidental Mindoro.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra , hihikayatin nila ang Philippine Army at PNP – Highway Patrol Group na makiisa sa kanila para sa mas pinaigting na kampanya kontra kolorum.
Gayunman, nilinaw ni Delgra na sila pa rin ang may kapangyarihan na mag– regulate ng mga sasakyan at tutulungan lamang sila ng mga sundalo at pulis sa pagpapatupad ng batas.