Proceed to Boracay!
Ito ang ginawang paghimok ng Palasyo sa mga bakasyunista na nais magtungo sa Boracay island ngayong Semana Santa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, maari paring magtungo sa isla ang sinumang turista lalo na ngayong Holy Week dahil tinitiyak aniyang walang magaganap na anumang closure doon.
Pahayag ni Roque, natanggap na ng Palasyo ang isinumiteng rekomendasyon ng DENR, DOT at DILG para sa pagsasara ng Boracay ngunit wala pa aniyang pinal na desisyon dito ang punong ehekutibo.
Una nang napaulat na nakasaad sa nasabing recommendation na aabutin ng anim na buwan ang rehabilitasyon sa Boracay at sisimulan itong ipasara sa darating na Abril 26 ng susunod na buwan.