Naniniwala ang consultative committee na malabong maisalang sa plebesito sa Oktubre ang isinusulong na pag – amyenda sa saligang batas.
Ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno , pinuno ng nasabing komite , kailangan munang mag – convene ng kongreso bilang constituent assembly o “Con – Ass”
Sakali aniya na pumayag ang Senado na mag – convene sa Kamara bilang “Con- Ass” ay duon pa lamang pormal na masisimulan ang proseso bago ang plebesito.
Gayunman , sinabi ni Puno na posibleng makaapekto sa isinusulong na Charter Change ang pagtayo ng Senado bilang impeachment court sa paglilitis sa kaso ni Chief Justice On -leave Maria Lourdes Sereno.