Mariing kinokondena ng Pilipinas ang missile attack sa Saudi Arabia mula sa mga rebelde sa Yemen.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano labag sa international law at dapat nang matigil ang ginagawang pag-atake na ito sa Riyadh at iba pang lugar kung saan napakaraming residente.
Kasabay nito nagpaalala din ang DFA sa mga Pilipinong nasa Saudi Arabia na mag-ingat at maging alerto.
Gayunman sinabi ng ahensya na mahusay umanong nahaharang ng air defense system ng Saudi Arabia ang mga bomba kaya’t napapasabog na ito ng mga awtoridad bago pa lumapag sa kanilang kalupaan.
Linggo nang magpakawala ng pitong ballistic missiles ang Houthni rebels habang nasa Yemen.
Pinuntirya nito ang Riyadh kung saan nasawi ang isang Egyptian national habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng fragments ng mga bomba.
—-