Hinimok ng isang anti-smoking advocate group ang mga Pilipino na lumayo na sa bisyo simula ngayong Semana Santa.
Kabilang dito ang paninigarilyo na ayon sa New Vois Association of the Philippines ay dapat tuluyan nang isakripisyo.
Sinabi ng grupo na hindi lamang pagkain ng karne ang dapat iwasan tuwing Mahal na Araw kundi maging ang mga bagay na nakakapagpaparumi sa sarili tulad nang paninigarilyo.
Ayon naman sa SKC o Sigaw ng Kabataan Coalition, maging ang mga e-cigarettes ay dapat na ring iwasan dahil nakakalason ito sa katawan.
Sa halip na manigarilyo, binigyang diin ng mga nasabing grupo na makiisa na lamang sa mga pabasa at Visita Iglesia.
—-