Walang tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa idineklarang tigil putukan ng New People’s Army ngayong ginugunita sa buong bansa ang Semana Santa.
Ito’y matapos mag anunsyo ng suspensyon ng opensiba ng rebeldeng grupo sa tropa ng militar bilang pagresperto umano sa pananampalataya ng mga Kristiyano.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Emmanuel Garcia, tila may ibang motibo ang NPA sa inanunsyong hakbang na ito.
Dagdag pa ni Garcia na posibleng isa lamang itong taktika para lituhin ang pwersa ng gobyerno maging ang taumbayan.
Isa umano sa nakikita nilang agenda dito ng rebelde ay samantalahin ang pagpapalakas ng pwersa ng NPA sakaling magdeklara rin sila ng tigil-operasyon.
Bukod dito maaari ring gamitin ito ng NPA upang maningil ng kanilang revolutionary tax.
—-