Dismayado si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista na hindi siya nakumpirma ng Commission on Appointments (CA).
Sinabi ni Bautista na karamihan naman sa mga tanong sa kanya ng makapangyarihang CA ay ukol sa mga desisyon ng COMELEC kung saan ay hindi pa siya ang pinuno nito.
Gayunman, tiniyak ni Bautista na hindi ito makakaapekto sa kanilang paghahanda para sa 2016 national elections.
“Sana nga natapos na, it’s one of those things na parang you want to get over with, pero hindi eh, at alam niyo naman ang tinatanong ay tungkol sa nangyari sa 2013, although to me, it’s a fair question to us, and kumbaga sabi ko din naman, by way of a general strategy ang gusto pong gawin ng COMELEC ay matuto sa mga naging leksyon, sa mga naging problema noong 2010 at 2013 para hindi na maulit muli.” Pahayag ni Bautista.
By Ralph Obina | Karambola