Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa MILF o Moro Islamic Liberation Front, mga miyermbro ng Bangsamoro Transition Commission at ng government peace negotiating panel sa Davao City kagabi.
Ayon kay Communications Assistant Secretary Bam Garcia, kabilang sa nasabing pulong sina Peace Adviser Jesus Dureza at Legislative Affairs Secretary Adelino bilang kinatawan ng government peace panel.
Habang sa panig ng MILF at BTC, dumalo naman si Chairman Al Haj Murad, Vice Chairman Ghazali Jaafar at implementing panel Chairman Mohagher Iqbal.
Gayunman wala pang ipinalalabas na detalye ang Malacañang kaugnay nang napag-usapan sa nasabing pagpupulong.
Magugunita namang sinabi na rin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Sulu na magpapatawag siya ng isang meeting para mapag-usapan ang BBL o Bangsamoro Basic Law na una nang ipinangko ng mga mambabatas na maipapasa sa katapusan ng Mayo.
—-