Dalawang bata ang iniulat na nasawi matapos malunod sa bayan ng Pangasinan nitong Sabado De Gloria.
Ayon sa Pangasinan Police, isang apat na taong gulang na bata babae ang nalunod sa swimming pool sa isang resort sa Laoac habang sampung taong gulang na batang babae naman ang nalunod din sa Fila Falls sa bayan ng Sual.
Samantala, nasa limang insidente naman ng pagkalunod ang naitala sa Isabela nitong semana santa.
Kabilang dito ang isang 21 anyos na lalaking kinilalang si Resty Tumbaga na natagpuang patay matapos malunod sa Cagayan River sa bayan ng Angadanan kaninang umaga lamang.
Dalawa naman ang naiulat na nalunod nitong sabado de gloria kabilang ang isang hindi pinangalanang grade 4 at isang 15 anyos na binatilyong kinilalang si John Mark Capalungan.
Habang isang limang taong gulang na batang babae na kinilalang si Nicole Zara ang namatay matapos malunod sa bahagi ng Cabatuan noong biyernes santo at isang siyam na taong gulang na batang lalaki naman ang nalunod din sa isang waterway.