Nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ng Grupo ng mga Kabataan na Akbayan Youth si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa tanggapan ng ombudsman bukas, Abril 2.
Ayon kay Akbayan Youth Communications Officer Justine Balane, may kaugnayan ang kanilang ihahaing reklamong gross misconduct laban kay Uson sa pagpapakalat aniya nito ng mga pekeng impormasyon habang ito’y ay nasa tungkulin.
Aniya, nasa sampung mga student leaders mula sa iba’t ibang eskwelahan ang maghahain ng kaso laban kay Uson sa tanggapan ng ombudsman.
Dagdag ni Balane, magkakaroon din aniya sila ng kilos protesta kung saan magdadala sila ng mga placards at tasa ng kape na may larawan ni Uson at salitang #FireMocha.