Nagposte na ng mga first aide station sa Siargao ang lokal na pamahalaan ng Surigao Del Norte.
Ito’y matapos ireklamo ni Karen Davila ang kawalan ng medical facilities sa isla matapos maaksidente ang kanyang anak sa surfing lesson nitong semana santa.
Batay sa Facebook post ni Davila, naglabas na ng executive order si Surigao Del Norte Governor Sol Matugas na nag oobliga sa lahat ng alkalde na nakakasakop sa Siargao na magbigay ng 24 oras na medical assistance at mga gamot sa mga lokal at turista sa pamamagitan ng kanilang rural health units.
Hinikayat din ng gobernador ang mga operator ng resorts sa isla na magtalaga ng mga security officer at magkabit ng mga CCTV.