Kabilang ang isang pinoy sa 12 disipulo na hinugasan ng paa ni Pope Francis nang manguna ito sa isang misa sa loob ng bilangguan sa Roma.
Ito’y bilang bahagi ng holy thursday mass ni Pope Francis na nasa ika-6 na taon nang ginagawa sa Regina Coeli Jail sa halip na sa St. Peter’s Basilica.
Kabilang din sa mga hinugasan ng kamay ng santo papa ay mula sa Italy, Morocco, Moldavia, Sierra Leone at colombia kung saan, walo sa mga ito ay pawang mga katoliko habang dalawa ang muslim, isa ang orthodox christian at isang buddhist.
Binali rin ng Santo Papa ang tradisyon ng washing of the feet na kadalasang para lamang sa mga lalaki na kumakatawan sa 12 apostol dahil babaeng muslim ang isa sa mga hinugasan niya ng paa.
Samantala, kabilang naman ang mga magulang ni Joanna Demafelis na sina Crisanto at Eva Demafelis gayundin si Fr. Teresito Chito Suganob sa mga hinugasan ang paa ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Manila Cathedral nitong huwebes santo.
Magugunitang isinilid sa freezer ng kaniyang amo sa kuwait ang bangkay ni Joana habang si Suganob naman ang naging bihag ng Maute terror group sa Marawi City.
Naging emosyunal si Suganob habang hinuhugasan ang kaniyang paa ni Cardinal Tagle dahil aniya sa naantig ang kaniyang loob sa naging mensahe ng Santo Papa at ng kardinal na kalingain ang mga lumilisan para itaguyod ang pamilya at iyong mga humahanap ng masisilungan mula sa karahasan.
“Makikiisa ka sa paglalakbay ng napakaraming tao, kilalanin sila, hawakan ang kanilang kamay, makipag usap sa kanila, pakinggan ang kanilang kwento at baka matuklasan natin na hindi sila iba sa atin, sila ay kapatid, sila ay kamanlalakbay sa kanilang paglisan, sana hindi sila mag isa, samahan sila sa paglalakbay.”