Binanatan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga nagpapakalat ng fake news at hinikayat nito ang publiko na labanan ang mga mapanirang hakbang para pagsilbihan ang interest political ng iilan.
Iyan ang binigyang diin ng kardinal sa kaniyang chrism mass homily sa Manila Cathedral nitong huwebes santo.
Ayon kay Tagle, kadalasan aniyang nalilinlang ang mga tao dahil sa maling balita na siya aniyang naghahatid ng kawalang paggalang sa isa’t isa.
“Manipulation…in the context of disrespect. I can deliberately deceive people because I have no covenant relationship with them. I do not care. I only want to manipulate the truth so that I get what I want. That is not evangelization.”
Hinamon din ng kardinal ang mga pari gayundin ang mga relihiyoso na ipakalat ang mabuting balita sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikinig sa bawat tao.
“Evangelization, communicating the truth of God’s love especially to the poor happened in a covenant relationship not in the context were some see people as objects to be manipulated for one’s purposes. We should only bring good news especially through integrity of our lives.”