Target ng CHR o Commission on Human Rights na mailabas sa unang bahagi ng 2019 ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga kumpanya na nakapagpapalala sa climate change.
Ayon kay CHR commissioner Roberto Cadiz, chairman ng National Inquiry on Climate Change panel, bagamat wala silang kapangyarihang magpataw ng parusa, maaaring gamitin ang resulta ng kanilang imbestigasyon upang iakyat sa hukuman ang kaso.
50 kumpanya na fossil fuel companies ang inireklamo sa chr dahil malaking kontribusyon nila sa climate change.
Nais malaman ng petitioners kung alam ng mga nagpapatakbo sa mga fossil fuel companies ang impact ng kanilang negosyo sa buhay ng mga tao, hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo.
Sinabi ni Cadiz na sa kauna unahang pagkakataon ay mayroong isang panel na mangangalap ng mga datos at kakapanayam ng mga siyentipiko, legal experts at iba pang mga eksperto kung saan ang resulta ay puedeng gamiting ebidensya sa Korte.
Aminado si Cadiz na 77 porsyento ng mga inireklamong kumpanya ay nakabase sa ibayong dagat gayundin ang ilang petitioners.
Dahil dito, nakatakda anIya silang magsagawa ng hearing sa New York City at sa London bago magtapos ang taon.