Pumalo na sa 25 ang naitalang nasawi habang 56 ang sugatan sa paggunita ng Semana Santa sa bansa.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod.
14 ang naitalang nasawi matapos malunod sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA at Cordillera Autonomous Region.
Samantala, 12 naman ang mga nasangkot sa aksidente sa kalsada sa Ilocos, CALABARZON at sa CAR.
Mayorya sa mga insidente ay naitala noong Huwebes hanggang Biyernes Santo kung saan karamihan sa publiko ay nasa biyahe o kaya ay nasa beach.
NDRRMC: 25 dead, 56 injured in drowning, vehicular accidents during the Holy Week @dwiz882pic.twitter.com/iYgYM5Umxf
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 2, 2018